Lahat tayo ay may iba't ibang uri ng pagkatao. Mayroon tayong tinatawag na "good sides" and "bad sides". Sa good sides kung saan tayo tinitignan ng tao kung pakikitunguan nya ba tayo o hindi. Sa bad sides naman kung saan magkakaalaman kung totoo nga bang tanggap ka ng kapuwa mo. Ngunit sa sarili ko nga ba,paano ko mailalarawan?
Isang masayahin ngunit maingay. Isang makulit ngunit sensitibong babae. Mababaw lamang ang aking kaligayahan,maari mo kong mapatawa sa iilang mga jokes mo lamang. Maingay ako,gusto ko lahat ng taong kasama ko napasasaya ko. Makulit ako,di mapalagay kung saan saan. Haha,conyo din ako minsan kaso nasimulan ko na tagalog kaya yun. At ang huli sa lahat sensitibo. NAPAKASENSITIVE. Kumbaga,kung kasama mo ako kailangan mong maingat sa mga galaw o sinsabi mo sa akin, Dahil kahit na para sayo joke ito. Minsan,kinikimkim ko na offensive yun.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pag-uugali kong ito,andyan pa din ang mga tunay kong kaibigan. Nagmamahal at nagpapasaya sa akin sa kabila ng lahat. Sa bawat oras,handa nila akong tulungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento